NAGNINGNING ang mga celebrity stars na dumalo sa 2013 GMA Gala Night na ginanap sa Marriott Grand Ballroom sa Newport Pasay noong Sabado ng gabi, Hulyo 22.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Binigyan ng pagkilala ang mga higit na lumutang ang kagandahan at kakisigan na mga Kapuso stars.
Ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang idineklarang “Couple of the Night,” habang “Sparkle Love Team of the Night” award naman sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Tinanghal din bilang “Couple of the Night” ang newly engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.
“Young Star of the Night” naman ang award na natanggap nina Ruru Madrid, at kasintahan niyang si Bianca Umali.
Si Alden Richards ang idineklarang “Sparkle of the Night” habang si Heart Evangelista ang kaniyang naging counterpart sa babae.
“Tiktok Crowd Favorite of the Night” naman sina David Licauco at Herlene Budol.
Narito naman ang iba pang awardees:
1. Avignon Radiant Beauty of The Night: Barbie Forteza
2. LazBeauty Look of the Night: Gabbi Garcia
3. Premier Star of the Night: Jilian Ward
4. The Sparkling Smile of the Night: Jilian Ward
5. FRONTROW Luxxe Royalty: Anne Curtis
6. Luxxe White Face of the Night: Kyline Alcantara
7. Discover Your Travel Sparkle with PAL Photo Contest: Andrea Torres
Samantala, imbitado rin sa nasabing Gala ang ilan sa mga Kapamilya Stars at main TV hosts ng It’s Showtime na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Anne Curtis, at ang Unkabogable star meme Vice Ganda.
Nagkita naman sina Vice Ganda at Michael V., na matagal nang iniidolo ni meme Vice at gusto maka-trabaho in the future.
Nagbigay din ng mainit at very energetic na pagbati si Bitoy kay Vice Ganda na talaga namang kaniyang [VG] ikinatuwa nang makita nito ang kanyang idol.
Ang GMA Gala ay isang fundraising event para sa Kapuso Foundation na layuning makapaghatid ng tulong para sa mga mangangailangan nito. ###