“Dumating na ang Bagong Pilipinas” – PBBM

Read Time:3 Minute, 6 Second

Ito ang huling sinambit ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa mahigit isang oras na pag-uulat nito sa kanyang ikalawang State of the Nation Address 2023 (SONA 2023) na ginanap sa Batasang Pambansa kahapon, Hulyo 24.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Maraming tinalakay si PBBM partikular na ang mga nagawa na ng kaniyang Adminisitrasyon. Pambungad nito ay ang “Inflation” na nagpapahirap sa ating lahat at ito rin ang pinakamalaking hamon sa pagbangon ng maraming bansa. Kailangan daw dito ay ang mga istratehiya para mapalakas ang ating ekonomiya.

Ayon kay PBBM na nakikita ng maraming bansa na masigla umano ang ating ekonomiya, kung kaya’t ito raw ang tamang pagkakataon para palawigin ang ating resources at hanapbuhay ng bawat Pilipino. Puspusan din ang pagpapalakas sa produksyon at imprastraktura na ang sentro ng mga planong ito ay ang ating mamamayan. Binida rin ni PBBM na maganda ang performance ng BIR, Customs, PAGCOR at PCSO.

Ibiahagi rin ni PBBM na dahil sa pagsulong ng Kadiwa stores ay nakatulong umano ito para maibaba ang presyo ng ilang mga bilihin. Nasa 1.8M pamilya ang nakinabang sa kadiwa stores at ito ay planong palawigin pa ng Administrasyong Marcos. Bukod dito, dapat din ma-amyendahan ang fisheries code at ang cooperative code na sana ay mapagtuunan ng kongreso. Magpapatuloy din ang pagpapalawig ng mga imprastraktura sa bansa at ang pag implementa ng 1,200 kilometer Luzon Spine Expressway Network Program na magdurugtong sa Ilocos at Bicol regions.

Masaya rin ang ating mga health worker ngayon dahil ibibigay na ng gobyerno ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) emergency allowance para sa mga healthcare worker (HCW). Nasa P1.3B health emergency allowances (HEA) para sa mga private at public HCW ang inilabas ng DOH na nagkaroon ng pagkakaantala noon. Bukod dito, sinabi rin ni PBBM na maaari na ring makapag-dialysis ang ating mga kababayang higit na nangangailangan nito. Binalaan din ni PBBM ang mga agricultural smuggler at hoarder na bilang na ang kanilang mga araw para panagutin ang mga ito sa batas. Ilan pa sa mga nabanggit ni PBBM ay ang pagpapatibay ng “rules of law,” at marami pang iba.

Sa lahat ng mga inilahad ni PBBM ay tila maraming mambabatas ang dismayado sa kanyang pag-uulat dahil umano’y hindi naman talaga nasolusyonan o nagampanan ng maayos ang mga ipinangako umano ng Pangulo sa una nitong SONA noong nakaarang taon. Isa na nga dito ay ang walang kasiguraduhang pagbaba ng presyo ng bigas sa bente pesos per kilo, ang pabago-bagong presyo ng gasolina sa bansa na ang higit na naaapektuhan ay ang mga pasahero na sa kanila ipinapasa ang dagdag-pasahe, ang mga usaping pilit na isinasantabi gaya ng war-on-drugs, ang soberanya sa west philippine sea, at iba pang mahahalagang usapin ng bayan.

Dumating na nga ang bagong Pilipinas sa makabagong panahon ngunit ang mga pinagdadaanan nating problema ay tila hindi nagbabago, tila nadadagdagan lang ito at hindi nasosolusyonan ng kongkreto. Lalo na ang problema tuwing tatama ang mga delubyo sa bansa, ang problema sa edukasyon na siyang pinakamalaking kinahaharap ng mga guro, mga mag-aaral at ng bawat magulang. Kakulangan pa rin ng trabaho at ang diskriminasyon sa mga manggagawa. Tila hindi na tayo nakakawala sa paulit-ulit na mga problemang ito. Usad pagong pa rin tayo.

Sana ay maramdaman ng husto ang pagbabagong pagkilos sa lahat ng sektor o ahensya sa gobyerno upang matamo ang tagumpay na hinahangad nating lahat. Sana ay matupad ni PBBM ang pangarap ng bawat Pilipino sa pangarap na kanyang pilit na binububo para sa lahat at para sa bayan. Simula pa lamang ito ng mas marami pang usapin na ating kakaharapin. Ito na ang bagong hamon para sa bawat Pilipino sa bagong yugto ng ating mahal na Pilipinas.

 

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Kapuso-Kapamilya: Mga nagningning sa #GMA Gala Night 2023
Next post KUWENTO NG MGA NASA LAYLAYAN NG ESTADO

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: