
KUWENTO NG MGA NASA LAYLAYAN NG ESTADO
NI RAMIL H. BAJO
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
Emosyonal at nakakaiyak na imahe ng tagumpay at pagsisikap para sa isang mangandang-bukas
[via Weekly Informer News Publishing] — Abot-langit ang pasasalamat ng isang tatay ng dumating sa kanilang bahay [mula sa graduation ceremony] ang kanyang anak na babae.
At hindi nga napigilan na ng nasabing tatay ang umiyak sa harap ng kanyang anak ng isabit nito lahat ang mga medalyang nakuha nito sa leeg ng kanyang tatay.
Sa larawan, makikita ang emosyonal na tagpo, kung saan umiiyak ang nasabing tatay habang isa-isang isinasabit ng kanyang pinakakamahal na anak ang mga medalya, mga premyo ng tagumpay na nagsasalamin hindi lamang ng katalinohan ng estudyante kundi makokonsidera din na kongkretong imahe ng kanyang pagbibigay-halaga sa pagsisikap, isa sa mga karakter ng mga taong kahit gumagapang sa hirap patuloy na nakikibaka para sa tagumpay at magandang-bukas.
Ang nakaposteng emosyonal na imahe nila ang makokonsidera na isang inspirasyon sa lahat na mga estudyante na kahit pilit na pinapadapa ng kahirapan at Kawalan ng pag-asa ay dapat patuloy na magsikap para makamit nila ang hinahangad nila na tagumpay.
Ayon kay Trizero Kauyamot, isang Facebook digital creator, tumutulo ang luha nito habang binibidyo ang mag-ama.
Umaasa naman si Trizero Kauyamot [syempre kasama ang Diyaryo Milenyo Digital News] na sana maka-avail ng scholarship ang nasabing estudyante mula sa gobyerno na nagpapahalaga sa talino ng mga mag-aaral na mula sa laylayan ng estado. ##