ANAK NG LABANDERA’T PLANTSADORA, NAGTAPOS NG SUMMA CUM LAUDE

Read Time:1 Minute, 35 Second
[Ni Sid Samaniego]
ROSARIO, CAVITE: “Napatunayan kong hindi ka talaga maliligaw kapag isinama mo ang iyong mga magulang sa mga pangarap mo. Sila talaga ang tunay na dahilan kung bakit sinikap kong makapagtapos ng pag-aaral. Hindi para sa sarili ko kung hindi para sa karangalan nila. Pareho silang hindi nakatapak ng kolehiyo. Maraming beses din silang minaliit ng mga tao. Ngunit hindi nila kailanman pinagdudahang suportahan ang lahat ng mga pangarap ko”, mga linyang binitawan ng 22 anyos na si N-Rich Salazar Recoter ng Brgy. Wawa 3, Rosario Cavite.
Si N-Rich Recoter ay magtatapos ngayon na may pinakamataas na parangal, Summa Cum Laude, sa kursong Bachelor of Arts in Journalism sa Cavite State University-Main Campus.
Solong anak siya ng mag-asawang Enrico Recoter, isang mangingisda at Roberta Recoter, isang labandera’t plantsadora.
Hindi naging madali para kay N-Rich bago marating ang pagkakataon na ito. Dinanas niya ang maraming hirap at pagsisikap marating lang itong ninanais na pangarap.
“Sa magulang ko, mga kamag-anak, mga kaibigan, mga kaklase, mga guro, kakilala at sa Maylikha na nagsilbing sandigan at hindi nagdalawang isip na sumama sa aking pangarap, para po sa inyo ang tagumpay na ito”, pagmamalaki ni N-Rich.
Nagworking student si N-Rich para lamang matustusan ang iba pa niyang pangangailangan. Nagtrabaho siya bilang service crew sa Alfamart, call center, at naging freelance writer.
“Kailanman ay hindi ko kinahihiya ang pagiging labandera at plantsadora ko. Sa paraang ito kami nabubuhay ng pamilya ko katuwang ng asawa kong isa namang mangingisda”, madamdaming pagmamalaki ni Nanay Roberta.
Ngayong Agosto 23, 2023 aakyat si N-Rich sa entablado kasama ang mga magulang na buo ang respeto at pagkatao kalakip ng pagsungkit ng medalyang ginto.
Si N-Rich ay nangangarap ding maging isang abogado. #DM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post ICH conference and Field School hosted by Royal and Pontifical University this month
Next post WOSAS 2023: The World’s Safest Place

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: