
PNP CHIEF PGEN. BENJAMIN ACORDA JR. PINANGUNAHAN ANG PAGBUBUKAS NG ISANG BAGONG PNP STATION BUILDING SA ROSARIO, CAVITE
Ni Sid Samaniego
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
ROSARIO, CAVITE — Pormal ng binuksan ang bagong PNP Station sa bayan ng Rosario, Cavite.
Pinangunahan ni PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. kasama si Rosario Cavite Mayor Jose Voltaire V. Ricafrente ang pagpapasinaya sa pagbubukas ng bagong Municipal Police Station nitong Agosto 10, 2023 sa Brgy. Tejeros Convention ng bayan na ito.
Kasama si Vice-Mayor Bamm Gonzales, Regional Director PBGEN Carlito M. Gaces, Cavite Prov’l Director PCOL Christopher F. Olazo, Rosario Chief of Police PMAJ. Sandie Caparroso, Sangguniang Bayan Members, Liga ng mga Kapitan at ang ilang mga opisyal ng bayan.
Ayon kay PMaj. Sandie Caparroso, naging posible ang mga programa ng PNP dahil sa pakikipagtulungan ng LGU sa pagkamit sa magandang pagpapatayo ng bagong PNP station sa bayan.
“Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng LGU Rosario sa pangunguna ni Mayor Ricafrente at Vice-Mayor Gonzales dahil sa kanila ay naging matagumpay at makatotohanan ang proyekto na ito para sa hanay naming mga pulis, maituturing na primerong gusali ng PNP ang istasyon na ito”, dagdag pa ni Caparroso.
Naging pangunahing layunin ng lokal na pamahalaan ang pagpapatayo ng gusali na ito para sa PNP.
Sa pakikipagtulungan ni Cavite Export Processing Zone Authority, Administrator Atty. Norma B. Tañag ay naging matagumpay ito, dahilan upang ibigay ang lupang pinagtatayuan ngayon ng gusali na pag-aari ng CEPZA.
Tiniyak naman ni Mayor Ricafrente na mananatili ang bayan ng Rosario na isang bayang tahimik, masaya at maunlad. ###