Ni Rick Daligdig
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
Muli namang umingay ang isyu ng terrotorial dispute natin sa West Philippine Sea. Ito ay dahil sa naging agresibong aksyon ng bansang Tsina sa ating tropa na may misyon na magdala ng supply para sa ating mga sundalo na nakahimpil sa BRP Sierra Madre na nagsisilbing poste natin sa Ayungin Shoal. Kung noong naunang buwan ay tinutukan ng military grade laser ating tropa, sa pagkakataon na ito ay nagsagawa ng “Water Cannon” ang China Coast Guard laban sa ating mas maliit na mga barko ng Philippine Coast Guard. Agad na bumuhos ang pagkondena sa ginawang ito ng Beijing sa pangunguna ng Estados Unidos, European Union, Japan , Australia atbp. Ang ating Department of Foreign Affairs ay naghain ng diplomatic protest sa Embahada dito ng China.
Matatandaan na nanalo ang Pilipinas sa protesta na hinain nito sa Tsina ng magkaroon ng “standoff” sa Scarborough Shoal ng 2012. Noong 2016, nagdesisyon ang International Permanent Court of Arbitration sa The Hague pabor sa Pilipinas. Mula noon naging agresibo na ang Beijing sa mga aktibidad nito sa South China Sea o West Philippine Sea sa atin. Gaano nga ba kahalaga ang anyong tubig na ito at ang mga pulong nasa ibabaw nito?
Sa aspetong kalakalan, napakalahaga ng papel ng WPS sa pagtatawid ng mga produkto sa iba’t ibang bansa. Ang tinatawag na freedom of navigation (FON) ay dapat mapanatili sa rehiyon upang hindi ito magresulta sa global supply chain disruption at pagtaas ng logistics cost. In terms of aquaculture, Data from the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) show that an estimated 324,312 metric tons of aquatic products were procured from the West Philippine Sea in 2020, translating to 7% of total fisheries production that year. Ang mga mangingisda natin sa Ilocos Region, Central Luzon,Mimaropa ay nangingisda din nasabing dagat. Idagdag pa rito ang napakayamang coral reefs na syang importanteng bahagi ng ecosystem sa karagatan. Higit sa lahat,nandito ang malaking reserba ng langis na umaabot sa 11 billion barrels at higit 190 trillion cubic feet na natural gas ‘ in proved or probable reserves’.
Nakakapanghinayang isipin na sa halip na napapakinabangan na natin ang mga nasabing yaman ng kalikasan para mapaunlad natin ang bansa. Mas nanaig ngayon ang tensyon sa pagitan ng makapangyarihan at mahinang bansa. Bagamat hind natin opsyon ang makipagdigmaan para makuha ang para sa atin, sana ay maging patas, totoo at tapat ang bansang kasangkot sa usapin na ito kung ang hangad nila na magkaroon ng mapayapang resolusyon ang isyu na ito. Bagamat ang Tsina ay naninindigan na sa kanila ang South China Sea. Ang United Nations, USA, EU at iba pang bansa na sumusoporta sa Pilipinas ay sinisigaw na sa Atin ang West Philippine Sea! ##
Photo: panaynews.net