
LOLA AT KANYANG BUONG PAMILYA, NAGPINTA PARA SA BRIGADA ESKWELA
Read Time:1 Minute, 11 Second
Ni Sid Samaniego
ROSARIO, CAVITE: “Hindi ko inaakala na buong pamilya ng kasintahan ko ang makakatuwang ko sa paglilinis ng aking room, pati si Lola Mercelita ay hindi rin nagpaawat”, pahayag ni Teacher Janine Cassandra De Vega, 27 taong gulang ng Agustin Abadilla Elementary School.
Ito ang ibinahaging kwento ni Teacher Janine ng sopresahin siya ng pamilya ng kanyang kasintahan na maglinis at magpinta ng kanyang silid-aralan bilang bahagi ng Brigada Eskwela at paghahanda sa darating na pasukan.
Agaw-pansin ang larawan ni Lola Mercelita, 76 taong gulang, na nagpipinta ng mga upuan, lamesa, at silid-aklatan. Nagawa rin ni Lola ng magsorting ng mga modules.
“Una sa lahat ay gusto ko pong magpasalamat sa boluntaryong pagtulong ng Pamilya Unsana na mapaganda at mapaayos ang aking classroom. Sana po ay hindi kayo magsawa na tumulong sa mga gawain sa paaralan”, dagdag pa ni Teacher Janine.
Kasama ni Lola Mercelita ang kanyang anak na si Reynante Unsana, manugang na si Sonia Managuit, at apong si John Jeruel Unsana na nakiisa sa Brigada Eskwela. Pamilyang salat sa hirap na may mataas na pangarap.
Si Teacher Janine ay apat na taon ng nagtuturo sa pampublikong paaralan habang si Lola Mercelita naman ay buong puso pa ring ipinapakita ang kanyang lakas at katatagan ng katawan bilang isang lola at bilang isang taga-Rosario na kilala sa pagiging mapagkawang-gawang Pilipino. #DM
About Post Author
Diyaryo Milenyo
DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.