
Pura Luka Vega, ‘Wapakels’ sa persona non grata at sa mga kasong isinampa sa kanya: “Dagdagan nyo pa!”
Tila “unbothered” at walang pakialam si drag artist Pura Luka Vega na ilang beses na ring idineklarang “Persona Non Grata” sa iba’t ibang lugar at lalawigan sa Pilipinas laban sa kanya.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Makikita sa isang video sa X (dating tawag sa Twitter), kung saan ay mapapanood doon na nagpe-perform ang drag artist sa awitin ni Taylor Swift na “Look What You Made Me Do.”
Sa kanyang pagli-lip sync ay inawit nito ang linyang “I’m sorry, but the old Taylor can’t come to the phone right now. Why? Oh, cause she’s dead,” habang hawak niya [Pura Luka Vega] ang isang frame kung saan makikita ang litrato ng kontrobersiyal na pag-drag niya sa Itim na Nazareno.
Matapos mag-perfom ay nagbigay pahayag si Vega sa lahat ng mga nangyayaring deklarasyon ng persona non grata, gayundin ang dalawang kasong inihain laban sa kaniya.
“Ito lang masasabi ko—simplehan lang natin ha? Lahat tayo makasalanan. Tama? Hindi tayo perpekto. Tama? Gayunpaman, do unto others what you want others to do unto you. Okay? Do not do unto others what you do not want others to do unto you. Golden rule lang po ‘yon.”
“Para sa mga ibang lugar na gustong mag-persona non grata diyan, dagdagan n’yo pa! Pakialam ko. ‘Yon lang po. Thank you po!”
Samantala, ang mga lugar na nadagdag sa mga nagdeklarang Persona Non Grata ay ang Lucena City at Mandaue City. #