Signal No. 1, itinaas sa Santa Ana, Cagayan dahil sa bagyong Goring

Read Time:48 Second

Itinaas na sa Signal No.1 ang Santa Ana, Cagayan dahil sa bagyong Goring, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes ng gabi, Agosto 24.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

 

Sa datos na nakalap mula sa PAGASA, kaninang alas- 11:00 ng gabi, huling namataan ang sentro ng Tropical Storm Goring 235 kilometro ang layo sa silangan ng Basco, Batanes, na may maximum sustained winds na aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa sentro at may pagbugsong 80 kilometers per hour.

 

Kumikilos ang bagyo ng mabagal pa-westward.

 

Ayon pa sa PAGASA, posibleng lumakas pa ang bagyo at itaas sa typhoon category sa Sabado, Agosto 26.

 

Samantala, inihayag din ng PAGASA na inaasahang palalakasin pa ng bagyo ang southwest monsoon o habagat na magdadala rin ng pasulpot-sulpot na pag-uulan sa kanlurang bahagi ng Central at Southern Luzon simula ngayong Biyernes, at sa hilagang bahagi ng Visayas simula naman sa Sabado, Agosto 26. #RBM

 

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Panawagan ni Chot Reyes sa Pinoy fans: ‘Crowd Support’ makatutulong sa Gilas Pilipinas vs. Dominican Republic
Next post “Empowering Aspiring Legal Minds: Join the ‘Law School 101’ Webinar for Success in Law School and the Bar Exam”

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: