Gilas Pilipinas taob sa Dominican Republic

Read Time:58 Second

Pinataob ng Dominican Republic ang Gilas Pilipinas sa score na 87-81, sa katatapos lamang nang pagbubukas ng FIBA Basketball World Cup nitong Biyernes ng gabi, Agosto 25.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Una ay pinahirapan muna ng Gilas Pilipinas ang Dominican Republic bago naiuwi ang tagumpay ng Dom. Maididikit pa sana ng Gilas Pilipinas sa isang puntos ang bentahe ng kalaban. Gayunman, isa lamang sa free throw ni AJ Edu ang naipasok nito, 79-81, 1:54 na lamang sa regulation period.

Naka score rin si Victor Liz sa kabila ng ibinigay na foul ni June Mar Fajardo kaya nadagdagan pa ang pag-usad ng Dominican Republic, 83-79

Dahil dito ay hindi na nakahabol pa ang Gilas Pilipinas hanggang sa tumunog ang final buzzer.

Samantala, nagpakitang-gilas sa Philippine team si Jordan Clarkson sa nakolektang 28 points, 7 rebounds, 7 assists, 2 steals, at 8 turnovers.

Gayunman, na-foul out si Clarkson, 3:32 na lamang sa fourth quarter.

Kaugnay ng pag-usad ng Dominican Republic, makakaharap nila ang Italy sa Araneta Coliseum sa Quezon City sa Linggo, ganap alas- 4:00 ng hapon habang ang Gilas ay kakasa sa Angola dakong 8:00 ng gabi.

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post “Empowering Aspiring Legal Minds: Join the ‘Law School 101’ Webinar for Success in Law School and the Bar Exam”
Next post Relax and unwind with Glico’s Pejoy Belgian Chocolate Flavour and Vanilla Hokkaido Milk Flavour

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: