Read Time:2 Minute, 7 Second

Ipinagdiriwang ang Araw ng mga Pambansang Bayani tuwing huling linggo ng buwan ng Agosto bilang pagbibigay-pugay sa wagas nilang pagmamahal at pagkamakabayan sa ating bansa.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Sa kasaysayan, ipinasa ng Philippine Legislature ang Araw ng mga Pambansang Bayani noong ika-28 ng Oktubre 1983 sa ilalim ng Republic Act No. 3827. Maraming mga Pilipino ang nagsumikap upang ipaglaban at makipagdigmaan sa mga dayuhan para makamit ang ating kalayaang inaasam.

Tulad ni Jose Rizal na lumaban sa mga mananakop sa pamamagitan ng panitikan na kahit hindi naman talagang purong Pilipino ay kaniyang pinagsikapang ibangon ang bansang Pilipinas at harapin ang kamatayang ipinukol sa kanya. Si Andres Bonifacio, isang simpleng manggagawa na naging “Ama ng Rebolusyon”. Si Emilio Aguinaldo na naging kauna-unahang Pangulo ng Pilipinas at si Melchora Aquino na kilalang “Tandang Sora” na siyang sumasaklolo upang gamutin ang mga Pilipinong sugatan sa digmaan. Tulad din nila Apolinario Mabini, Marcelo H. del Pilar, Juan Luna, Gabriella Silang, at Sultan Dipatuan Kudarat at marami pang ibang mga bayaning tila limot na natin dahil sa ating pagiging abala sa larangan ng buhay sa kasalukuyang panahon.

Napakahalaga ng araw na ito sapagkat ipinapaalala sa atin ang mga naiambag nila sa ating bayan na dapat hindi kailanman magmamaliw. Hindi mapapantayan ninuman ang kanilang katapangan at pagmamahal sa bayan na naging daan upang makamit ang kalayaan na ating ipinagpapatuloy magpahanggang ngayon. Sila’y nakibaka, sumanib sa kilusan at hindi inisip ang sariling kapanakanan upang makamit lamang ang karapatan sa sariling bayan.

Hindi lamang ang mga bayaning nakilala natin sa mga libro o mga lathalain, pati na rin ang mga bayaning Pinoy sa kasalukuyang panahon. Ang mga OFW’s, Guro, Nars, Doktor, Inhinyero at ang mga ordinaryong manggagawang Pinoy sa iba’t ibang panig ng mundo. Sila ay matatawag din na mga bayaning buhay sa kasalukuyang panahon.

Ang pagiging bayani sa Inang bayan ay hindi lamang nakikita o nasusukat sa mga titulong kanilang napagtagumpayan. Ito ay naipapamalas sa pamamagitan ng pagiging matapat, may malinis na hangarin, handang tumulong sa lahat ng walang hinihintay na kapalit at hindi iniisip ang pansariling adhikain lamang.

Maaari nating maipakita ang pagiging makabayan sa simpleng pamamaraan tulad ng pagtulong sa ating pamilya at kapwa, sa komunidad, mga biktima ng trahedya at sakuna at iba pang gawaing makatutulong upang iangat ang isa’t isa at makapaghatid ng pag-asa. Kaya naman, isang pagpupugay ang aming inaalay sa mga pambansang bayaning nagbuwis ng kanilang buhay alang-alang sa ating Inang bayan higit kanino man. Mabuhay ang mga Bayaning Pilipino! Mabuhay ang mga bagong bayani! Mabuhay ka KaMilenyos! #RBM 

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post MANDAUE CITY JOINS PALENG-QR PH PLUS
Next post Pura Luka Vega, welcome mag-perform sa Lapu-Lapu City ngunit may ‘restriction’

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d