
Pura Luka Vega, welcome mag-perform sa Lapu-Lapu City ngunit may ‘restriction’
Matapos ang sunud-sunod na deklarasyon ng ‘persona non grata’ sa drag artist na si Pura Luka Vega ay may lugar na handa siyang tanggapin, welcome umano siya sa Lapu-Lapu City subalit mayroong restriction sa kanyang gagawing performance doon.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Pwedeng magsagawa ang drag art performance si Vega ngunit bawal ang pang gagaya nito kay Hesukristo.
Ito raw ang pahayag ng alkalde ng lungsod na si Mayor Junard “Ahong” Chan, ayon sa ulat na nakalap mula sa Politiko Visayas.
Bagama’t hindi rin natuwa si Mayor Chan sa ginawa ni Vega o “Amadeus Fernando Pagente” sa paglapastangan nito sa Katolismo ay hindi raw rason ito para magdeklara ang alkalde ng pagka-persona non grata kay Vega.
Samantala, nananawagan naman ng fund-raising si Vega dahil kailangan daw niya ng panggastos sa court battles na kaniyang harapin, matapos siyang sampahan ng kaso ng dalawang religious groups kaugnay ng kaniyang kontrobersiyal na drag art performance na anila’y “blasphemous.” #RBM