Read Time:3 Minute, 6 Second

[Ni Rick Daligdig]

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Bukod sa lingguhang pagtaas ng petrolyo sa ating merkado na siyang pagbabadya ng pataas muli ng pasahe ng mga pangunahing transportasyon gaya ng jeep, taxi at bus. Muling ginimbal ang mga simpleng Juan dela Cruz sa muling pagsipa ng presyo ng isa sa mga pangunahing bilihin, Ang Bigas! Mula sa presyong nasa Php 40 – 45 per kilo, tumaas ng halos 5 piso hanggang 10 piso na ito ngayon. Bunga nito ay pag-aray at paghihigpit sa budget ng pamilyang Pilipino.

Paano tayo humantong sa ganitong sitwasyon? Maraming dahilan ang binigay ng Department of Agriculture (DA) na kung saan ang mismong namumuno dito ay ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Bagamat tumaas ang produksyon ng palay sa naunang anim na ng taong ito na umabot sa 9 milyon metrico tonelada kumpara sa 8.7 MMT ng parehong panahon ng 2022 at importasyon na umaabot sa 2.05 MMT ng bigas, inamin mismo ng DA na magkakaroon ng kakulangan sa supply nito. Sa kasalukuyan, ang buffer stock na mayroon sa imbentaryo ay aabot lamang sa 39 na araw na dapat sana ay nasa 60 na araw. Hindi pa dito natatapos dahil sa darating na mga araw ay aabot pa sa 60-65 piso kada kilo ang bigas.

Hindi na bago ang nangyayaring pagtaas ng presyo ng bigas, noong 2018 ay nagkaroon na rin ng pagsipa sa presyo ng “staple food” ng bansa. Bilang tugon, ginawa at pinasa ang Rice Tariffication Act na sya raw na kasagutan upang matigil ang pagtaas ng presyo nito. Dito mas naging mabilis ang proseso ng pag -iimport ng bigas sa ibang bansa upang mapunan ang supply nito. Subalit parang baga’y hindi nasugpo ng naturang batas ang suliranin dahil imbes na bumaba ang presyo ng bigas ay naging daan pa ito para makontrol ng iilang negosyante ang merkado na siya nang nangyayari ngayon. Isa sa mga patunay nito ang mga inispeksyon na malalaking bodega ng bigas kung saan tone-tonelada ang mga nakatago at hindi nilalabas. Bagamat idadaan pa rin ito sa proseso para mapatunayan kung ito ay smuggle o legal.

Hindi naman natutulog sa pansitan ang gobyerno, patuloy pa rin ang pagsasaayos nito ng sektor ng agrikultura para makaagapay sa nagbabagong panahon. Kahapon lang ay ipinag-utos ng Presidente Marcos Jr. ang pagtatakda ng price ceiling sa regular at well milled rice sa 40-45 pesos per kilo. Humihirit na rin ang DA ng karagdagang pondo para makapag angkat ng karagdagang supply sa ibang bansa. Pero ang tanong namin, bakit hinihintay lagi ng Department of Agriculture natin na lumabas ang problema muna saka kumilos? Kung kumilos pa ay kapos o kaya ay nahuhuli na? Alam naman siguro ng ahensya kung ano ung mga buwan na walang ani ng palay at magbubunga ‘yun ng pagnipis ng supply ay bakit hindi abatan kaysa pabayaan? Sa simula pa lang ng administrayon na ito, marami sa problema nito ay nag-ugat sa sektor ng agrikultura, nauna na ang asukal, sibuyas,karne ng baboy at manok at ang huli at bigas. Lalo tuloy lumilinaw sa pang unawa ng karaniwang mamayan na dapat ng magtalaga ng isang “full-time Secretary” sa kagawaran ng agrikultura at hindi yung pang ribbon cutting lamang.

Sa Oktubre pa mag aanihan ng bigas at muli hahayaan naman ng gobyerno ang Batas ng Supply at Demand para mapababa ang presyo nito. Subalit gaya ng mga nabanggit na may mga paraan at solusyon na pwede na gamitin ng gobyerno upang hindi humantong sa nararanasan natin ang mga ganap. Tandaan din sana ng Pangulo na isa sa mga plataporma niyang ibinigay ang Php 20/kilo na bigas. Naipanalo ka na ng higit 31milyon na Pilipino kaya naman panahon na para sila maningil at hingin ang mga pinangako. Keri ba?

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post DTI, DA to mobilize ‘price monitors,’ coordinate with LGUs, agencies to effectively implement mandated rice price caps 
Next post ASEAN Economic Ministers discuss ASEAN Post-2025

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: