DTI Secretary Pascual pinangunahan ang pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga rice retailers sa San Juan

Read Time:3 Minute, 24 Second
 [Benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program kasama sina DTI Secretary Fred Pascual, DA Assistant Secretary Arnel De Mesa, DSWD Assistant Secretary Ada Calico, at San Juan City Mayor Francis Zamora]

 

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

SAN JUAN CITY—Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpaabot ng tulong sa rice retailers na naapektuhan ng pagpapatupad ng Executive Order No. 39, pinangunahan ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Fred Pascual ngayong araw, 9 Setyembre 2023, ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong rice retailers sa Agora Public Market sa Lungsod ng San Juan.

Sa kanyang talumpati, binigyang diin ni Pascual na nakahandang umalalay ang pamahalaan sa mga rice retailers na lubos na naapektuhan sa pagtatakda ng price ceiling sa regular-milled rice na PHP41.00 at well-milled rice na PHP45.00.

 “Ang DTI, katuwang ng buong gobyerno, ay magtutulong-tulong upang mabilis na masolusyonan ang mga problema na kailangan nating harapin. Sa pamamagitan ng whole-of-government approach, handang umalalay ang buong pamahalaan upang masiguro ang kapakanan ng mga rice retailers at konsyumers. Lubhang nauunawaan namin ang kalagayan ng bawat isa, kami po sa DTI ay magsusumikap na mas mapabilis ang ating distribusyon sa iba’t ibang panig ng bansa,”

Ang pagsisimula ng pormal na pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga kwalipikadong rice retailers ay inilunsad ngayong araw sa mga Lungsod ng San Juan, Caloocan, at Quezon na

pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at ng Department of Agriculture (DA).

Ang Sustainable Livelihood Program (Cash Assistance for Micro Retailers) ay isang programa na pinangununahan ng DSWD katuwang ang DTI at iba pang mga ahensya ng pamahalaan sa pag validate sa mga kwalipikadong rice retailers na siyang benepisyaryo nito. Ngayong araw ay namahagi ang DSWD ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng PHP15,000 sa bawat isang kwalipikadong rice retailer.

Kahapon, 8 Setyembre 2023 ay naglabas ang DTI at DSWD ng guidelines upang magsilbing basehan sa pagtukoy ng mga kwalipikadong rice retailers. Ang mga ito ay dapat sumusunod sa EO 39 at:  (1) Rehistrado sa Business Permits and Licensing Office (BPLO); (2) Rehistrado sa DTI bilang sole proprietor or sa Securities and Exchange Commission (SEC) bilang partnership o korporasyon; (3) Mga hindi rehistradong rice retailers na validated ng DTI; at (4) Mga hindi rehistradong rice retailers na validated ng mga market masters na beripikado ng DTI.

 

[Mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program kasama sina DTI Secretary Fred Pascual, DA Assistant Secretary Arnel De Mesa, DSWD Assistant Secretary Ada Calico, at San Juan City Mayor Francis Zamora]

 

Bukod dito, ang naturang programa ay magaganap din sa iba’t ibang panig ng bansa upang mas mailapit sa mga benepisyaryo ang tulong ng pamahalaan. Binigyang diin din ng DTI na maaaring magtungo sa pinakamalapit na DTI Negosyo Center o tumawag sa kanilang hotline na 1-DTI (1-384) ang mga kwalipikadong rice retailers na nais mapabilang sa listahan ng mga mapagkakalooban ng tulong pinansyal.

Sa kabilang banda, sinabi rin ni Pascual sa kanyang panayam na, “Ang unang ginagawa ng pamahalaan, sinabi nga ni Asec. Arnel, inaayos natin ‘yung production ng rice sa lebel ng farms kasi kung malaki ang ani eh mas mababa ang cost per kilo at mas mababa nating maibebenta ‘yung produksyon, so maraming pumapasok doon na factors tulad ng pagkakaloob ng fertilizers, seeds, at saka yung pag-aalaga ng farms.”

Kasama rin ni Secretary Pascual sa naganap na pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga rice retailers sa San Juan sina DSWD Assistant Secretary Ada Calico, DA Assistant Secretary Arnel De Mesa, at San Juan City Mayor Francis Zamora. END.

 

For further information on the release, please get in touch with:
DTI-Office of the Secretary
5F Industry & Investments Building, 385 Sen. Gil J. Puyat Ave., Makati City
Telephones: (+632) 7791.3406 / 8890.9319
Contact Person: Ms. Jayzza D.C Carreon
Email Address: PRU@dti.gov.ph / JayzzaCarreon@dti.gov.ph
Website:  www.dti.gov.ph

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post “Wala pa rin akong counsel” – Pura Luka Vega
Next post PH Gov’t, Groups To Join World Peace Summit in Korea To Build Multidimensional Strategies for Institutional Peace

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: