
“Wala pa rin akong counsel” – Pura Luka Vega
Aminado ang kontrobersyal na drag artist na si Pura Luka Vega na wala pa rin siyang permanenteg legal counsel para tumulong at tumutok sa mga isinampang reklamo laban sa kanya dahil sa kaniyang mga kontrobersyal na paglapastangan sa panggagaya nito kay Hesukristo at sa relihiyong katolismo.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ito’y kanyang ibinahagi sa kanyang social media post.
Sakabila nang patuloy na pangangalap ng tulong at mga abogado ni Vega ay mayroon namang mga kakilala’t kaibigan na mga abugado na handa siyang tulungan pansamantala.
Matatandaan na nanawagan at nagtungo si Vega sa Department of Justice sa Quezon City upang harapin ang mga complaint laban sa kanya ng ilang religious groups.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang mga isinampang reklamo kay Vega at ito ay kanyang handang harapin anuman at saan man.
KaMilenyos, basahin ang iba pang updates tungkol sa balitang ito, hanapin lamang ang “ENTERTAINMENT” section at makikita roon ang ilang showbiz news bites.