Mainit pa ring pinag-uusapan ang kamakailang nag-viral na ‘icing incident’ sa isang program segment sa longest-noontime show ng Kapamilya network ang “It’s Showtime” kung saan makikita roon sa video ang pagsubo sa icing ng cake gamit ang daliri nina Vice Ganda at ang kanyang real life boyfriend na si Kuya escort Ion Perez.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Sakabila nang mga kontrobersiyang kinahaharap ng nasabing programa at ng dalawang TV hosts, malayo-layo na rin ang narating ng usaping ito.
Kaya naman, sa pagkakataong ito, nakalap ng Diyaryo Milenyo ang ilang impormasyong ibinahagi mula sa Balita.net.ph kung saan ay kumonsulta umano sa isang abogado ang showbiz columnist-entertainment vlogger na si Ogie Diaz para mabatid kung “Kadema-demanda” ba talaga ang “icing incident” ng nasabing mag couple na parehong TV host ng It’s Showtime.
Matatandaang nagsampa ng kasong kriminal ang Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas laban sa mag-couple dahil diumano’y may kahalayan ang ipinakita ng mga ito sa mga manonood kung saan ay kanilang sinubo ang icing ng cake gamit ang kanilang mga daliri para tikman ito na hawak-hawak ni Ion Perez na kinatuwaan naman ng mga kapwa hosts at ng madlang people at ng mga manonood na tila wala naman talagang naging malisya roon sa umpisa. Naghatid pa nga ito ng kilig sa lahat dahil sa sweetness overload nilang dalawa sa segment ng “Isip Bata.”
Kaya ganun na lang ang hangarin ni Diaz na mabigyang kalinawan ang mga inirereklamo sa dati nitong alaga na si Vice Ganda. Dahil dito, humingi ng professional opinion and advice si Diaz sa matagal nang abogado na si Atty. Juanito R. Lim o “Atty. Jun Lim” ng Lim and Yutatco-Sze Law Firm kung may nilabag bang batas sina Vice Ganda at Ion Perez.
Ayon pa sa Balita.net.ph, nilinaw ng abogado na hindi niya titingnan ang senaryo dahil kinasasangkutan ito ng mga sikat na personalidad, kundi magbabatay lang sa mga nangyari.
“‘Di umano, ang demanda laban kay Vice at kay Ion ay violation ng Article 201 of the Revised Penal Code in relation to section 6 of RA 10175 or yung Cybercrime Prevention Act of 2012.”
“Ano ba ito? Ang article 201 po, it refers to immoral doctrines, obscene publications and executions, and indecent shows. At ayon sa demanda, ito ay pinalala pa dahil gumamit ng internet o information technology sa pagpapakalat ng panooring ito.
“Sa madaling salita, ang ikinaso kay Vice ay pagpapakita, o pagpapalaganap ng malaswang panoorin sa paggamit at sa pagggamit pa ng information technology.”
Sa karagdagan, naniniwala si Atty. Lim na hindi nilabag ng mag-jowa ang nabanggit na batas. Hindi raw naman kasi indecent o imoral ang pagkain ng icing ng cake, kagaya ng ginawa ng dalawa. Ang gawang ito raw ay hindi naman labag sa batas.
“Bilang abogado po, ako ay naniniwala, na hindi nilabag ni Vice at Ion ang nasabing batas. Ang pagkain ng icing sa cake in itself is not indecent or immoral per se. Ang gawang ito ay hindi naman labag sa batas. Sa kaayusan sa publiko, sa moralidad, sa mabuting kaugalian, mga polisiya o mga legal na kautusan,” aniya.
Ayon pa kay Atty. Lim, maaaring sa tingin daw ng mangilan-ngilan sa atin na ito’y mahalay, pero hindi ibig sabihin ay krimen na ito. Maaaring “sila-sila” lang daw ang nagbibigay ng malisya kina Vice Ganda at Ion Perez.
Naitanong din sa abogado kung sakaling hindi famous personality ang gumawa nito, isang babae at lalaki, o kaya naman isang politiko, sasampahan din ba sila ng magkaparehong kaso?
“The last time I checked, we still live in a democratic country. So huwag po nating takutin ang ilan nating mga kababayan ng mga demanda dahil nagpahayag sila ng mga paniniwala nila. Huwag natin silang gantihan sa mga paraan na nagdudulot ng takot din sa taumbayan. Mali po ito.” tugon ng abogado.
Sa pananaw ng abogado, hindi karapat-dapat na kasuhan si Vice at mukhang madidismiss daw ang kasong ito.
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang social media broadcasters na nagsampa ng kasong kriminal laban kina Vice Ganda at Ion Perez hinggil sa mga naging pahayag ni Atty. Lim.
Source: balita.net.ph