Honoraria ng mga Guro sa darating na Barangay at SK elections, ibibigay agad!

Oramismo! Ibibigay kaagad ang honoraria ng mga guro na mag-du-duty sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) ngayong darating na Oktubre 30, 2023.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Tiniyak at kinumpirma ito ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes [September 18, 2023] kasunod ng papirma nito ng kasunduan sa Department of Education (DepEd) at Public Attorney’s Office (PAO) upang matiyak ang proteksyon ng mga guro.

“Ang commitment natin baka hindi abutin ng 10 days din. Ibibigay natin on time ‘yung lahat ng honoraria nila,” pahayag ni Comelec Hairperson George Erwin Garcia sa isinagawang press conference kahapon, Lunes, September 18.

Ang naturang desisyon ay bilang tugon sa kahilingan ni Vice President Secretary Sara Duterte na bayaran kagaad ang mga gurong magsisilbi sa darating na halalan.

Aniya, matatanggap ng mga guro ang kani-kanilang honoraria sa loob ng 15 araw pagkatapos ng eleksyon.  #RBM

Source: Balita.net.ph & PNA
Photo: Phistar
Previous post Vice Ganda, Ion Perez vs. Criminal case na isinampa sa kanila: Abogado, nagsalita na!
Next post BSP CITES INFLATION TARGETS, INVESTMENT OPPORTUNITIES IN RP ISLAMIC BANKING AND FINANCE SECTOR

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: