Jackpot prize ng UltraLotto 6/58, nasolo ng taga Rizal

Jackpot! Isang taga Rizal ang pinalad na magwagi ng tumataginting na milyun-milyong pisong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na binola nitong Martes ng gabi, September 19.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Sa advisory mula sa PCSO, matagumpay na nasungkit ng lucky winner ang six-digit winning combination na 07-10-09-13-21-19 ng UltraLotto 6/58 na may katumbas na kabuuang jackpot prize na PHP77,455,718.40.

Nagbigay paalala ang PCSO na ang lahat ng mga premyong lampas sa P10,000 ay sasailalim sa 20% buwis, alinsunod sa TRAIN Law.

Kung sakaling hindi makuha ang premyo sa loob ng isang taon mula sa petsa nang pagbola dito, otomatikong mapupunta sa Charity Funds ng PCSO.

Hinihikayat naman ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga palaro ng PCSO upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo at makatulong pa sa kawanggawa.

Ang Ultra Lotto 6-58 ay binubola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Samantala, nabili umano ng lotoo winner ang kanyang lucky ticket sa Binangonan, Rizal.

 

Source: balita.net.ph
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Ilocos rice retailers received P15K subsidy 
Next post Mining industry critical to PH economy – DTI chief 

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: