“Magtalaga ng full-time DA Secretary,” panawagan ni Sen. Escudero kay PBBM

Hinikayat ni Sen. Francis “Chiz” Escudero si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na magtalaga ng “full-time secretary” na mamumuno sa Department of Agriculture (DA) upang matiyak na matugunan ang mga kinahaharap ng ahensya.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Base na rin sa press release ng Senado nitong Lunes, Setyembre 25, isinaad ni Escudero na mahalaga ang pagkakaroon ng full-time na kalihim ng DA upang agarang umanong masolusyonan ang mga kinahaharap ng ahensya, partikular na raw ang kampanya ng administrasyon laban sa rice smuggling at hoarding.

“Siguro ang unang hakbang para matutukan talaga ang Department of Agriculture ay maglagay na ng permanente at full-time na secretary sa departamentong iyan. Kung mahalaga talaga iyan, kailangang may full-time at dedicated na kalihim at hindi part-time lamang,” pahayag ni Escudero.

Sinabi rin ni Escudero na bagama’t naiintindihan daw niya ang pagnanais ni Marcos (ang kasalukuyang DA Secretary), na personal nitong pangasiwaan ang sektor, aniya napakarami umanong isyu ng bansa ang kailangan niyang asikasuhin bilang pinuno ng estado.
Samantala, nanawagan din ang senador sa pamahalaan na labanan ang rice hoarding at smuggling sa pamamagitan umano ng paglalantad sa pangalan ng mga indibidwal, hindi lamang ng trading companies, na sangkot sa iligal na aktibidad, maging sa pamamagitan ng paghahain ng karampatang kaso laban sa mga ito.
Ayon pa sa senador na sa ilalim ng Republic Act 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016, ang rice smuggling at hoarding ay isa sa umanong “economic sabotage” na maituturing na non-bailable offenses at may parusang habambuhay na pagkakakulong. ##
Source: balita.net.ph
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Magnitude 6.6 na lindol, naitala sa Davao Occidental ngayong araw
Next post Trust, approval rating nina PBBM at VP Sara, bumaba – OCTA

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: