Sumasayaw na Gay Traffic Enforcer sa Cavite, good vibes ang dala sa Kalsada

Read Time:45 Second

Ni Sid Samaniego

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

 

ROSARIO, CAVITE — Tila ginawang dance floor ang kalsada ng isang tinaguriang “gay traffic enforcer” sa Rosario, Cavite.

Habang nagbabantay ng trapiko sa kalsada ay high energy naman sa pagsayaw itong si Francisco Esguera alyas “Chang”.

Sa kuhang bidyo ng 62 taong gulang na si Tess Quintao, taga Villa Concepcion Bagbag 2 Rosario, Cavite ay makikita ang pagpitik ng kanyang mga kamay at paa habang pinapatugtog ng pamilihang Urban ang maingay na kantang “Girls Like Me Don’t Cry”.

Kuha ang bidyo ngayong araw, Sept. 29, 2023 ganap na alas-9:29 ng umaga.

Habang nakasakay sa e-bike si Nanay Tess Quintao ay pasimple niyang kinuhanan ng bidyo ang naturang gay traffic enforcer.

Nakaka-aliw daw kasi itong pagmasdan at nakakawala ng pagod.

Umani ng magagandang reaksyon ang naturang video matapos na ito ay ipost ni Quintao sa sarili niyang facebook account. #DM

Happy
Happy
67 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
33 %
Previous post Sa Likod ng mga Puting Papel
Next post OPPORTUNITY: HRD Antwerp Education in collaboration with DSE Connect Corp.

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: