‘Kulto’ Leader sa Socorro at 3 iba pa, humarap sa Senate panel

Ni Rex Molines

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

 

Humarap sa Senate committee ang diumano’y ‘kulto’ leader ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) na si Jey Rence Quilario na kilala rin bilang ‘Senior Aguila’ at tatlong iba pang kasamahan nitong Huwebes, Setyembre 28.

Sa isang video na nakalap mula sa pagdinig ng usaping ito sa senado, paulit-ulit na itinatanong ni Senador Risa Hontiveros sa gitna ng Committeee on Public Order and Dangerous Drugs na mailang beses na itinanggi ni Quilario at ng kaniyang mga kasamahan na walang nagaganap na ‘child marriages’ sa kanilang grupo o komunidad sa Surigao del Norte sakabila nang pagsiwalat ng usaping ito ng mga diumano’y biktima ng hindi makataong pagtrato sakanila at sa mga kabataan noong sila ay kaanib pa ng SBSI.

“I respectfully move to cite in contempt Jey Rence Quilario, Mamerto Galanida, Janeth Ajoc, and Karren Sanico,” saad ni Hontiveros.

Wala namang tumutol sa mosyon ni Hontiveros na sinang-ayunan din naman ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, ang committee chairperson, na ipinag-utos ang detention ng apat sa Senate premises.

Samantala, binigyang diin ni Hontiveros na ang apat na mga testigo na naroroon sa hearing, kabilang ang aktwal na partido sa naturang kasal ang nagpatotoo na may nagaganap na child marriages sa Sitio Kapihan.

“Hindi po, hindi po nangyayari,” pahayag ni Quilario.

Samantala, sinabi naman ni Galanida na hindi niya raw alam ang tungkol sa child marriages at wala naman umanong nagaganap na ganung pag-abuso sa kabataan.

“As far as, I do not know anything about mayroong ganyang nangyayari sa Kapihan… Walang child marriages kasi po kung meron man, meron dapat ‘yung parents mismo ‘yung magko-complain,” utal na pagtugon ni Galanida.

Itinanggi rin ni Ajoc na wala umanong nagaganap na child marriages sa Sitio Kapihan, kahit na sinabi nang isa sa mga testigo na maging ang anak ni Ajoc ay isa sa mga batang ikinasal din.

Samantala, hiniling naman ni Justice Underscretary Nicholas Ty, na naroon sa pagdinig na payagan ang apat na indibidwal na dumalo sa preliminary probe ng Department of Justice (DOJ).

Sinabi naman ni Dela Rosa na ang naturang apat na indibidwal ay pinahihintulutan na humarap sa preliminary probe.

Pumutok ang alegasyong ito matapos mabatid na may pang-aabusong nangyayari sa higit 1,000 menor de edad sa Socorro town sa Surigao del Norte kung saan ay itinuturing ito ng mga taga roon na tila isang ‘kulto’ diumano ang sumibol na tagong komunidad sa kanilang probinsya. 

Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
100 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post DTI Chief Pascual highlights PH as ideal investment destination 
Next post PEZA anticipates more Chinese investments to PH

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d