
Bagyong Jenny: Signal No. 3, itinaas sa Itbayat, Batanes
Itinaas na sa Signal No. 3 sa Itbayat, Batanes nitong Martes ng gabi, Oktubre 3, dahil sa Typhoon Jenny, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Sa datos na nakalap sa PAGASA, bandang alas 11:00 ng gabi huling namataan ang sentro ng bagyong Jenny 305 kilometro ang layo sa East Northeast ng Itbayat, Batanes, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers per hour at pagbugsong 190 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa-north northwest sa bilis na 10 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas na sa Signal No. 3 ang Itbayat Batanes.
Nakataas naman ang Signal No. 2 sa mga natitirang bahagi ng Batanes.
Samantala, nakataas ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
- Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands
- Northern portion ng Isabela (𝘔𝘢𝘤𝘰𝘯𝘢𝘤𝘰𝘯, 𝘚𝘢𝘯 𝘗𝘢𝘣𝘭𝘰, 𝘚𝘢𝘯𝘵𝘢 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢, 𝘋𝘪𝘷𝘪𝘭𝘢𝘤𝘢𝘯)
- Apayao
- Northeastern portion ng Abra (𝘛𝘪𝘯𝘦𝘨, 𝘓𝘢𝘤𝘶𝘣, 𝘔𝘢𝘭𝘪𝘣𝘤𝘰𝘯𝘨)
- Northern portion ng Kalinga (𝘙𝘪𝘻𝘢𝘭, 𝘗𝘪𝘯𝘶𝘬𝘱𝘶𝘬, 𝘉𝘢𝘭𝘣𝘢𝘭𝘢𝘯)
- Ilocos Norte
Patuloy pa ring palalakasin ng bagyong Jenny ang southwest monsson o habagat, na posible namang magdala ng ilang mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw.
Inaasahan naman umanong lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Huwebes ng tanghali o gabi, Oktubre 5. ##