
Pura Luka Vega, inaresto sa Sta. Cruz, Manila
Inaresto ng Manila Police District (MPD) ang drag queen na si Amadeus Fernando Pagente, mas kilala bilang Pura Luka Vega, nitong Miyerkules, Oktubre 4, kaugnay ng “Ama Namin” remixed drag performance nito.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ayon sa MPD, inaresto si Pura sa bahay nito sa Hizon Street, Barangay 339, Sta. Cruz, Manila dakong alas 4:10 ng hapon nitong Miyerkules.
Nag-isyu ng warrant of arrest si Hon. Czanica Villanueva, presiding judge ng Manila-Regional Trial Court (RTC) Branch 36, dahil umano sa “Immoral Doctrines.” “Obscene Publications” at “Exhibitions and Indecent Shows.”
Kasalukuyan umanong nasa MDP Sta. Cruz police station si Pura at maaari namang mag-piyansa ng P72,000.
Matatandaan noong Agosto 17 nang maghain ang mga miyembro ng Hijos Del Nazareno (HDN) Central ng reklamo laban kay Pura. ##