19th Asian Games: ‘Pinas, kulelat pa rin sa ika-22 puwesto sa medal tally

Read Time:48 Second

Nasa ika-22 puwesto ang Pilipinas sa medal tally sa pagpapatuloy ng 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

 

Sa ibinahaging post sa social media account ng Philippine Olympic Committee (POC) nitong Biyernes ng umaga, nangungulelat pa rin ang Team Pilipinas sa nakubrang 14 medalya, tampok ang dalawang gold, dalawang silver, at 10 bronze.

Kaugnay nito, nasa Top 3 pa rin sa mga humakot ng medalya ang People’s Republic of China, Japan at Republic of Korea.

Nasa 333 ang medalya ng China (179 gold, 99 bronze, at 55 silver), 158 naman ang kinolekta ng Japan (44 gold, 54 bronze at 60 silver) at 157 naman ang Korea (33 gold, 47 bronze at 77 silver).

Sakabila nito, nanawagan pa rin sa publiko ang POC na suportahan pa rin ang mga atletang Pinoy na inaasahang hahakot pa ng medalya.

Matatandaan naman na sinikwat nina pole vaulter EJ Obiena at Margarita Ochoa (Jiu Jitsu) ang dalawang gintong medalya.

Laban lang! Team Pilipinas!

Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post FSF Intensifies Collaboration Towards a Resilient, Sustainable, and Inclusive Financial System
Next post DTI chief highlights textile artisans’ contribution to Philippine economy

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: