Usap-usapan ngayon ang naging pagtatagpo nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at dating Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa Roxas City, Capiz nitong Biyernes, Oktubre 6.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Kaya naman hindi ito pinalagpas ng mga netizen na tila sinamahan ni Roxas at ibang mga lokal na opisyal si Marcos sa pamamahagi ng nakumpiskang smuggled rice sa mga benepisyaryo sa Roxas City.
Napansin din ng mga netizen na umano’y magkasabay na dumating sina Marcos at Roxas sa Capiz Gymnasium sa Roxas City, kung sakau raw sila ng iisang sasakyan?
Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos sa naturang aktibidad, ibinahagi nito na kahit magkaiba umano ang kaalyadong kinaaaniban nila ni Mar Roxas ay matagal na raw silang magkaibigan.
“Baka hindi n’yo po alam, alam n’yo po, kami ni Mar matagal na po kaming magkaibigan at kahit na hindi kami magkapanig kung minsan sa politika, matagal kaming nagsama sa New York,” sambit ni Marcos.
“Kaya po nakakatuwa. Matagal ko na po siyang hindi nakausap at mabuti naman nagkaroon ng pagkakataon. Nag-usap kami dito pa sa Capiz,” dagdag pa niya.
Dahil dito ay agad na naging usap-usapan ang naturang pagkikita ng dalawa at naging trending topic pa sa si Roxas sa X (dating tawag sa twitter).
Narito naman ang ilang naging komento ng netizens;
“oh nasaan na iyong mga bbm loyalists na galit kay vp sara kasi nasa isang event sila ni mar roxas noong abril 2023? tapos ngayon si bbm ay nasa isang event with mar roxas. galit din ba kayo or puring-puri kayo tapos may pa give chance to mar pa kayo?”
“Kakampink right now: apologist si Mar Roxas?”
“Buti pa si Mar Roxas. He wished PBBM well. Litong-lito na siguro ang mga trojan trolls.”
“Yung nagkita sina PBBM at Mar Roxas
Admin supporter: ???
Opposition: ???”
Matatandaan na parehong tumakbo sina Marcos at Roxas noong 2016 national elections kung saan kumandidato si Marcos bilang bise-presidente at si Roxas naman bilang presidente na pareho namang laglag sa mga naturang posisyon at ngayon ay kumpulan naman ng samu’t saring usapin ukol sa dalawang magkaibigan na may magkaibang political perspective.