BSP, maspalalawigin pa ang pag-install ng Coin Deposit Machines (CoDMS) sa bansa

Read Time:1 Minute, 36 Second

Nag-deploy ng karagdagang labing-limang (15) coin deposit machine (CoDMs) ang Bangko Sentral ng Pilipinas nitong nagdaang mga linggo, ayon na rin sa BSP.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Umabot na sa 25 kabuuang bilang ng mga naturang unit na magagamit sa malaking bahagi  ng Manila area at kalapit probinsya.

Sa inilabas na press release ng BSP, naitala ang pinaka mataas na single transaction sa mga CoDMS na nagkakahalaga ng PHP100,260.00.

Makikita ang mga naka-installed na CoDMS sa SM Megamall, Mandaluyong City; SM City Grand Central, Caloocan; SM City Marilao, Bulacan; SM City Taytay, Rizal; SM Hypermarket FTI, Taguig City; SM Southmall, Las Piñas City; SM City SucatParañaque; SM City Calamba; SM City Marikina; SM City San Mateo, Rizal; SM City Valenzuela; Robinsons Place Metro East, Pasig City; Robinsons Place Novaliches, Quezon City (QC); Robinsons Place Antipolo, Rizal; at Robinsons Place Magnolia, QC.

Ang BSP at ang kanilang partner retailers ay naglagay na rin ng CoDMS na matatagpuan sa Festival Mall, Muntinlupa City; SM Mall of Asia, Pasay City; SM City North EDSA, QC; SM City Fairview, QC; SM City San Lazaro, Manila; SM City Bicutan, Parañaque; SM City Bacoor, Cavite; Robinsons Place Ermita, Manila; at Robinsons Place Galleria, Ortigas.

Nitong Setyembre 2023, umabot na sa PHP98.8 milyong halaga ng barya ang naideposito sa mga machine, katumbas ng 37.2 million pieces ng mga barya mula sa mahigit 37,000 transactions.

Inaasahan din ng BSP ang mas malawak na paggamit ng naturang machine sa publiko at lahat ng mga establisimiyento sa bansa.

Pinaalalahanan din ng BSP na iwasan ng publiko na magdeposit ng barya na naka tape o bundled.

Matatandaan na unang inilunsad ang CoDMS noong nakaraang Hunyo.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang CoDM page ng BSP website sa link na ito;  https://bit.ly/BSPcodm. Maari ring tumawag sa CoDM Support Hotline (02) 8-689-3599 o mag-emai sa codm@bsp.gov.ph  #RBM 

 

Photo file
Previous post DTI Agusan del Norte provincial office kicks off consumer welfare month 2023 with coastal cleanup 
Next post DTI Adopts a Hectare; Promotes sustainable planting activity 

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: