Ano nga ba ang pinag-aawayan ng Israel at Palestino?

Read Time:1 Minute, 52 Second

“LUPA” o “Teritoryo,” ito ang tunay na pinag-aawayan at pinag-aagawan ng Palestino at Israeli.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Maraming mga aspekto na nais patunayan ang dalawang bansa. Ang naratibo ng Palestino ay kanila ang lupa na kasalukuyan nilang binobomba. Sinabi naman ng mga Israeli na kanila ang lupang iyon na tinirahan naman ng mga Palestino. Ngayon ay kasalukuyan pa ring binubomba ng Hamas group ang Israel.

Ano ang Hamas, at paano ito ihahambing laban sa ibang mga Palestinian Party?

Ang Hamas ay isang Arabic acronym na Harakat al-Muqawan alIslamiyya, o Islamic Resistance Movement. Ang Hamas ay isang militante, partidong pampulitika ng Islam at organisasyon ng lipunan na may sariling pakpak ng militar, ang Ezzedine al-Qassam Bridges. Ang Hamas ay itinuturing na teroristang organisasyon ng Estados Unidos, European Union at Israel. Mula taong 2000, ang Hamas ay nauugnay sa higit sa 400 na pag-atake, kabilang ang higit sa 50 pagbomba ng pagpapakamatay, ang Hamas ang lumilikha ng mga pag-atake sa mga bansa o teritoryo na kanilang nais sakupin.

Nabuo ang Hamas na grupo noong Disyembre 1987 sa Gaza bilang isang militanteng pakpak ng Muslim sa kapatiran, kilusang Islamist na nakabatay sa Ehipto na nilikha ni Ahmad Yassin. Naging kontrolado ng militanteng grupo ang Gaza Strip mula nang mag-takeover ito roon noong 2007. Nitong Oktubre 7, 2023, naglunsad ng biglaang pag-atake sa Israel ang grupong Hamas at nagsawa naman ng counter attack ang Israel.

Ang Israel ay nuknukan ng kapangyarihan at teknolohiya. Nang magkaroon na ng second world war ay binuo na ang Israel noong 1948. Ang mga Palestino ay walang estado ngunit hindi ibigsabihin ay wala silang kakayahan para bumuo ng isang estado kung saan ay mas pinalakas nila ang pampulitikang koneksyon, kilusan, at militanteng organisasyon.

Dahil sa kasalukuyang pangyayaring ito, nag-alsa ang mga Palestino laban sa pagkontrol ng Israel sa Gaza at West Bank. Layunin ng Hamas group na mapalaya ang Palestine at mabawi ang lupain nito mula sa pag-ookupa ng Israel.

Sa mga sandaling ito ay hindi pa rin humuhupa ang sigalot sa pag-atake ng Hamas sa Israel at patuloy pa rin umaakyat ang bilang ng fatality doon. May mga naiulat na ring mga kababayan nating nasawi sa giyera ng mapanakop na grupong Hamas.

Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
17 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
17 %
Angry
Angry
50 %
Surprise
Surprise
17 %
Previous post Empowering and Embracing Beauty in Alopecia Awareness Month
Next post DTI Secretary Pascual encouraged AU businesses to invest in PH

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: