
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
Wagi! Kinilala ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang Iloilo City bilang “Creative City of Gastronomy,” ang unang lungsod sa Pilipinas na nakatanggap ng naturang karangalan.
Sa naganap na pagdiriwang ng World Cities Day noong Martes, Oktubre 31, 2023, sa halos 50 mga lungsod kabilang ang Iloilo City, ang bagong napasma sa UNESCO Creative Cities Network (UCCN), na ngayon ay mayroon nang 350 members-cities mula sa mahigit isang daang bansa.
Ayon sa UNESCO, pito ang creative fields ang kanilang Network: Crafts and Folk Art, Design, Film, Gastronomy, Literature, Media Arts, at Music.
“New cities were acknowledged for their strong commitment to harnessing culture and creativity as part of their development strategies, and displaying innovative practices in human-centred urban planning,” pahayag ng UNESCO.
Aniya, makikipagtulungan ang mga bagong itinalagang lungsod sa mga miyembre ng Network upang palakasin ang kanilang katatagan sa harap ng mga umuusbong na banta tulad ng climate change, pagtaas ng “inequality,” at ang mabilis na paglobo ng urbanisasyon.
Matatandaan na pinangalanan kamakailan ng UNESCO ang ilang mga lungsod ng Pilip;inas, tulad ng Baguio para sa larangan ng “Crafts and Folk Art” at Cebu para sa larangan ng “Design.”
Source: balita.net.ph