
BINATANG NAGLALAKO NG NILUPAK, AGAW-PANSIN SA MGA BUMIBILI
Ni Sid Samaniego
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
“May sakit ang aming ama at ang kahirapan ng buhay ng aming pamilya ang tunay na dahilan kung bakit ako naglalako ng nilupak ngayon”, ito ang madamdaming kwento ng 19 anyos na estudyanteng si Rafael Berzuela Jr ng Brgy. Ligtong 3, Rosario, Cavite.
Si Rafael ay Tubong Canabuan Bicol at kasalukuyang nag-aaral ngayon sa Galleli Academy bilang Grade 11 student. Halos isang taon ng naglalako ng nilupak ang binata. Na kumikita ng isang libong piso bawat araw.
Mabenta ang kanyang nilupak na tinda dahil masarap ito at may kakaibang timpla. Ibinibigay niya ang kanyang kita sa kanyang ina na isang cigarette vendor naman.
Ang kanyang kinita ay ipinangbibili ng gamot ng kanyang ama at pagkain ng kanyang sampung kapatid. “Kailangan kong gawin ito para sa aking pamilya. Hindi ko ikinahihiya ang paglalako ng nilupak”, buong giting na kwento ni Rafael.
Ang Nilupak Vendor ay tinitilian ng mga kababaihan habang naglalako dahil sa magandang pangangatawan nito at pagiging mistiso. Si Rafael ay nangangarap maging pulis balang araw. ##