MINIATURE CHRISTMAS VILLAGE, IBINIDA NG ISANG DATING OFW

Read Time:59 Second
Sa isang bahay sa Brgy. Bagbag II, Rosario Cavite ay ramdam na ramdam na ang diwa ng kapaskuhan. Dahil mapapa-wow ka sa ganda na obra ng isang dating OFW na Miniature Christmas Village.
Buwan ng Oktubre ng taong ito nang umpisahang gawin ng 59 anyos na si Jun Familara ang kanyang Miniature Christmas Village. At kahapon lang ay natapos na itong gawin.
Agaw-pansin ang kanyang mga kumukuti-kutitap na ilaw. Animo’y nasa isang village ka kung iyong tititigan. Gawa sa mga recycle materials ang miniature.
Maging ang 5 talampakang Nutcracker Soldier ay agaw atraksyon din na gawa rin sa recycle materials tulad ng box ng pizza, cup noodles, marble stone, kaldero, at trashcan.
Bata pa lamang diumano si Jun ay pangarap na niya talagang magkaroon ng ganitong miniature.
“Kadalasan sa mga mayayaman ko lang nakikita ito. Bata pa lamang ako ay pinangarap ko ng magkaron ng ganito..Kaya sabi ko sa sarili ko, pipilitin kong gumawa ng ganito kahit isang ordinaryong tao lang ako. Gusto kong patunayan na kaya kong gumawa na hindi gagastos ng malaki”, kwento ni Jun.
Si Jun Familara ay dating OFW sa Papua New Genea. #DM
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post PHILIPPINE STARTUPS SHINE AT ASEAN-KOREA STARTUP WEEK 2023 AND ECOTHON 2023 
Next post PUBG MOBILE AND PAGANI S.p.A. ANNOUNCE EPIC COLLABORATION AS HIGH-OCTANE ACTION MEETS HIGH-PERFORMANCE LUXURY

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: