RENDON, DI MAKA-MOVE ON SA ‘PANG-DIVISORIA’ NA NATIONAL COSTUME NI MICHELLE DEE

Read Time:1 Minute, 13 Second
Trending ngayon ang banat ni motivational speaker Rendon Labador sa designer umano ng national costume ni Miss Universe Philippines Michelle Dee.
Aniya, , “pang-Divisoria” ang design ng damit ni Michelle.
“Pang New York ang pangalan pero yung design pang-Divisoria. Sa susunod kung sino man ang pumipili nito paki-check mabuti sana ang portfolio ng designer para hindi tanga yung mapili natin,” aniya.
“Dami nating creative designers dito sa ‘Pinas na hindi nabibigyan ng chance, sana mabigyan sila lahat ng pagkakataon.” dagdag niya.
Tumalak din si Rendon matapos mapanood ang natcos ni Dee sa preliminary competition ng timpalak.
“Bagsak!!! Sa unang pagkakataon nawala ang creativity ng mga Pilipino. Mahal na mahal ko ang Pilipinas pero huwag naman ninyong sirain, kahit sa costume party baka hindi manalo ‘yan.
“Kung sinoman ang nag-design ng costume ni Michelle Dee, panahon na para magising ka sa katotohanan. Ang tanga mo mag-design. Siguro ikaw ‘yung binola ng magulang simula pagkabata.
“Gusto kong hamunin ‘yung taong nag-design ng costume, makapagpalabas man lang ng sama ng loob. Pinahiya mo kaming lahat. Kinawawa mo naman si Michelle Dee.”
“Kung tanga ‘yan, huwang ninyong i-tolerate. Turuan natin ng tama. Kasi ‘pag lumaki ang mga ‘yan, madadamay ang buong Pilipinas sa mga katangahan nila.
“Damay-damay kasi tayong lahat dito kapag nagkataon. Haaaay… sumasakit na naman ang ulo ko,” mahabang hanash ni Rendon.
📸: Fb & IG of Rendon Labador, Michelle Dee
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

Average Rating

5 Star
0%
4 Star
0%
3 Star
0%
2 Star
0%
1 Star
0%

Leave a Reply

Previous post PUBG MOBILE AND PAGANI S.p.A. ANNOUNCE EPIC COLLABORATION AS HIGH-OCTANE ACTION MEETS HIGH-PERFORMANCE LUXURY
Next post Island of Hope brings together Innovators from Island and Archipelagic States

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: