Kompirmado ang nawawalang beauty pageant contestant na si Catherine Manguerra Camilon ang isinikay sa abandonadong pulang SUV na natagpuan ng mga otoridad sa Batangas.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Matapos isagawa ang pagkuha ng DNA profile sa mga magulang ni Camilon ay nag-match ito sa mga forensic evidence na nakuha mula sa loob ng SUV, ang buhok at ang dugo na natagpuan doon, ayon kay P/MGen. Romeo Caramat Jr.
Consistent din umano ang naging pahayag ng mga testigo sa kanilang nasaksihan kung saan nakita nang mga ito ang pagbaba sa isang babaeng duguan na inilapat sa pulang SUV.
“Yung mga witness natin ay hindi nagsisinungaling, and there is a collaboratorive evidence na talagang ‘yung nakita nilang babae na binubuhat ng mga suspek ay certainly si Ms. Camilon.” pahayag ni P/MGen. Caramat Jr.
“Mas bumigat ‘yung kaso na isinampa natin doon sa mga suspek dahil nagtutugma ang mga sinabi ng mga witnesses natin.” dagdag pa ni Caramat.
Patuloy na nangangalap ng forensic evidence na magdidiin pasa mga suspek.
“Our PNP forensic group chemists are trying to examine para makapag lift ng finger prints dun para i-match doon sa mga nasampahan nating suspects.” ani Caramat.
Matatandaan na nauna nang sinampahan ng kidnapping at serious illegal detention ang suspect na si Police Major Allan De Castro at tatlong iba pa.
Samantala, hindi pa rin natatapos ang paghahanap sa nawawalang sasakyan ni Camilon na nakita ng mga saksi mula sa pinanggalingan niya [Camilon] bago siya nakita habang inililipat sa pulang SUV.
Itinuturing ng CIDG na missing pa rin ang pagkawala ni Camilon, at patuloy na umaasang makikita at mahahanap na buhay ang beauty pageant contenstant. #RBM