Category: Editoryal

Editoryal

Lamb-nA Dis! Lambda variant nasa Pinas na!

Nakapasok na sa Pilipinas ang tinuturing na “variant of interest,” ang Lambda variant – coronavirus disease 2019 (COVID-19). Kinumpirma ito ng Department of Health (DOH), University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng UP-National Institutes of Health (NIH), na ang unang kaso ng Lambda variant ay natukoy sa pinakahuling genome sequencing na isinagawa nila.

Editoryal

PAGBALANGKAS NG MGA TERMINOLOHIYA SA EPEKTIBONG KOMUNIKASYON KAUGNAY NG PANDEMYA

ECQ, MECQ, MGCQ, GCQ with heightened restrictions, at APOR… Ilan lamang ang mga akronim o unang pantig ng mga salitang ito na ginagamit sa iba’t ibang klasipikasyon ng pagtatakda ng paghihigpit na kwarantina sa ating bansa sa tuwing nagkakaroon ng surge o pag-angat ng bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa partikular na komunidad, lugar at rehiyon.

Editoryal

DANGAL AT HUSAY, KARANGALAN NG BAYAN

Sa magkaparehong araw nitong Hulyo 26, 2021 dalawang malalaking balita sa kasaysayan ng Pilipinas ang sumalubong sa ating lahat; ang huling SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang kauna-unahang Olympic Gold Medal ng Pilipinas na nasungkit ng isang Pinay na si Hidilyn Diaz matapos magwagi sa women’s 55-kg weightlifitng event sa 2020 Tokyo Olympics na ginanap sa Tokyo International Forum sa Japan.