Free Wi-Fi para sa mga Caviteño, sagot ni Gringo Honasan

ROSARIO, CAVITE: Isang makabuluhang talakayan ang isinagawa kaninang umaga [Nob. 12, 2021] sa Mountsea Resort na pinangunahan ni dating Senador Gringo Honasan. Kasama ang buong konseho ng Rosario sa pangunguna ni Konsehal Bamm Gonzales, Mayor Dino Chua ng Noveleta, at iba’t ibang lider ng unang distrito ng Cavite.