Bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa NCR, maaring sumipa sa 30,000 – DOH

Kahit pa nasa pinaka mahigpit na quarantine classifications at ang pagpapatupad ng hard lockdown, ay maaring pumalo sa 30,000 o higit pa ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR), ayon sa isang opisyal ng Department of Health (DOH) nitong sabado.