Tag: Photo News

Photo News

BAKLAS: Paghihiwalay ng dalawang bagay mula sa orihinal na pinanggalingan nito

Gamit ang bareta de kabra, plais, long nose, flat screw driver, martilyo, at lagaring bakal ay matiyagang binabaklas ni Mang Mar Bancifra, 58 taong gulang, tubong Tarlac, at 33 taon ng naninirahan sa bayan ng Rosario ang makina ng sirang motor upang kuhanin ang tansong pula na nakakapit sa naturang makina.

Community News Photo News

BANCA CON KALYE

ROSARIO, Cavite — Pangkaraniwan na nating nakikita ang mga bangka sa dagat. Subalit hindi sa pagkakataon na ito, ang bangka ay makikita ngayon sa kalye, hindi upang mangisda kundi upang isakay at maitawid ang mga residente ng Brgy. Bagbag 2, Rosario, Cavite mula sa malalim na baha. Pinangunahan ng mga tanod ng barangay ang bayanihan.

Photo News PROVINCIAL

270 na mga bata nakatanggap ng mga libreng–serbisyo mula sa “1st Barangayanihan Kapatid” ng PNP–1st SKPMFC sa probinsya ng Sultan Kudarat

SULTAN KUDARAT (R12), Philippines –– Umabot sa 270 na mga bata sa dalawang malayo na mga barangay sa bayan ng Columbio sa probinsya ng Sultan Kudarat ang nakatanggap ng libreng mga serbisyo mula sa 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company (1st SKPMFC) sa ilalim ng kanyang programa na “1st Barangayanihan Kapatid,” kung saan ang layunin nito ay mas lalo pang palakasin ang koneksyon ng gobyerno, sa pamamagitan ng Philippine National Police (PNP), sa mga komunidad.

Photo News PROVINCIAL

Panukalang–batas ni Rep. Hernandez para sa pagtatag ng “Third District” sa probinsya ng South Cotabato, inaprobahan ng House Committee on Local Government

[by Rashid RH. Bajo] KORONADAL CITY (R12), Philippines –– Masayang ibinalita ni Deputy Speaker South Cotabato 2nd District Rep. Atty. Ferdinand “DINAND” Hernandez sa mga mamamayan ng probinsya ang pag–apruba ng House Committee on Local Government ng House of the Representatives sa kanyang House Bill No. 9421, kung saan ang panukalang–batas para sa pagtatag ng ikatatlong–distrito sa kanyang probinsya.