
Ronnie Liang ginawaran ng parangal
Ronnie Liang tumanggap ng medalya mula sa Philippine Army.
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-44 Founding Anniversary ng Armor Division tumanggap ng dalawang medalya ang singer at army reservist na si Ronnie Liang at iginawad ito ng Army Commanding General LT Gen. Gilbert Gapay at Armor Pambato Division Commander Major General Robert C. Dauz noong June 16 sa Capas, Tarlac.
Ang singer at army reservist ay ginawaran ng Meritorious Achievement Medal at Disaster Relief Rehabilitation Operation Ribbon, para sa pagsagot sa tungkulin ng paglaban sa COVID-19.
Ayon sa instagram post ng singer at army reservist, “I would like to share these awards Meritorious Achievement Medal (MAM) and Disaster Relief & Rehabilitation Operations Ribbon ( DRRO) to all the men in uniform who answered the call of duty in the fight against Covid19.“
Samantala, magre-resume naman ng shooting si Ronnie sa kanyang bagong pelikula na pinamagatang Harang at kasama rin sya sa upcoming movie na Spell Bound under Viva.
Tulad ng ilang industriya, ang entertainment industry ay inaasahan na susundin ang ilang protocols ng “new normal” pagdating sa shooting at pag-taping ng mga palabas sa telebisyon at mga pelikula. (Ni BENJAMIN DUCAY GARCIA /PHOTO CREDIT: GMA NEWS)