
Gobernador ng Lanao del Sur umapela sa IATF at Pangulong Duterte na gawing tuwing 14 days na ang pagpapauwi sa mga LSI

LANAO DEL SUR, (BARMM), Philippines — Umaapela si Governor Mamintal “Bombit” Alonto Adiong Jr. ng probinsya ng Lanao Del Sur sa Inter-Agency Task Force (IATF) at kay Pangulong Rodrigo Duterte na sana bigyan sila ng panahon na makapaghanda sa pagdating ng kanilang mga kababayan na mga “Locally-Stranded Individual” (LSI) upang makagawa sila ng mga paghahanda para sa maayos na pagbabalik nila sa naturang probinsya.
Sa interbyu sa kanya kahapon, sinabi ni Governor Adiong na “”Panawagan namin sa National IATF lalong lalo na sa ating mahal na presidente, gawin nating every 14 days ‘yung pagdating ng mga LSI’s natin. Wala ho kaming hindi tatanggapin na mga Maranao, mga kababayan namin sa Lanao del Sur.”
Nasa loob ng BARMM compound si Governor Adiong ng matsambahan ng reporter na si Ms. Mokalid. Binisita nito ang isang opisyal ng BARMM.
“Aayusin lang natin, iregulate natin, at tanungin ang Local IATF para maayos ang paghandle ng mga COVID 19,” sabi ni Governor Adiong sa “ambush interview” sa kanya ni Ruffa Guiamalon Mokalid na isang broadcast journalist na nakabase sa Parang, Maguindanao.
Ayon pa kay Governor Adiong, wala pang reported na “local transmission” sa kanyang probinsya.
“Ayaw po natin magkaroon ng local transmission, kapag mangyari ‘yun, lahat ng nagawa naming maganda sa COVID 19 tulad ng pag prevent, pag contain ay masisira po yan, kaya sana po ang ating mahal na presidente ay pagbigyan ang request natin,” sabi ni Governor Adiong. (Rashid RH. Bajo via Mindanao Desk/Photo credit to Johaira Gomonsang)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
