
Libreng panganganak at buntis kits ibinahagi sa Rosario, Cavite
[Ni Sid Luna Samaniego]
Buntis Congress 2021 sa Rosario, 387 na buntis ang makikinabang

ROSARIO, Cavite — Sa layuning mas matugunan at mapabuti ang kalagayan ng mga nagbubuntis, hanggang sa kanilang panganganak, at nang mabawasan ang child mortality rate, umarangkada na ang Buntis Congress sa bayan na ito.
Tinatayang may kabuuang 387 na mga buntis ang dadalo sa programa na ito na hinati sa 7 bahagi na may temang “We Make Change Work for Women”, at bilang bahagi na rin ng pagdiriwang ng International Womens Month.
Sa programa na ito ay ipinaalala ng Rosario Health Unit sa pangunguna ni Dr. Noriel Emelo ang kahalagahan ng tamang pag-aalaga sa kanilang mga sanggol kahit ito ay nasa kanilang sinapupunan pa lamang hanggang sa ito ay kanilang ipinanganak.
Dagdag pa ni Emelo, kailangang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga buntis ukol sa pangangalaga ng sinapupunan upang maiwasan ang mga kumplikasyon habang nagdadalang-tao.

Masusi ring tinalakay ang Breastfeeding, Prenatal Care, at Family Planning. Bukod sa kaalaman at makabuluhang impormasyon ay pinagkalooban naman sila nina Mayor Jose Voltaire V. Ricafrente at Kon. Bamm Gonzales ng Buntis Kits na kanilang magagamit sa pagbubuntis hanggang sa pagsilang ng kanilang mga baby.


Samantala, ibinahagi naman ni Gng. Irene Gallardo, 37 taong gulang, isang padyak driver, tubong Nasugbu Batangas na kasalukuyang naninirahan ngayon sa Brgy. Bagbag 2 sa bayan na ito ang kanyang pasasalamat sa lokal na pamahalaan sa programa na ito na nagbigay sa kanya ng maraming kaalaman at impormasyon. Dagdag pa nito ang libreng buntis kits na kanyang magagamit sa panganganak.
Kilala ang bayan ng Rosario sa pagbibigay ng libreng serbisyo sa panganganak. #DM
LOOK: DOH COVID-19 CASE UPDATE as of 4PM today, March 20, 2021.
— Diyaryo Milenyo Digital News (@diyaryomilenyo) March 20, 2021
Follow us on our official social media accounts and website;https://t.co/5B47LAbX18https://t.co/xKwZXCl8zVhttps://t.co/ltTsdOiJekhttps://t.co/Pz2b2RUlWS https://t.co/euiqoLHCrb pic.twitter.com/Oyc1R2T191
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
Isang Baldadong lalaki sa Naic Cavite, nananawagan ng Tulong Medikal dahil sa kanyang Kondisyon
Ni Rex Molines NAIC, CAVITE: Nananawagan ngayon ng tulong ang isang concern citizen para sa kanilang kapitbahay na si sir...
AMERIKANONG ENGINEER, NAMAHAGI NG PAGKAIN SA MGA PRESO
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Dugong-Kano pero may Pusong-Pinoy ang nananalaytay sa pagkatao ng 55 anyos na Software Engineer na...
Barangays, together with ice cream brand, Aice plan on distributing free ice cream to more than 2 million people nationwide to give cheerfulness in time for the holiday season
[caption id="attachment_27624" align="aligncenter" width="690"] Barangay Head Gift Giving Activity in General Santos City[/caption] Manila, Philippines, 12 December 2022 – Over...
KINSENG BAKA, MAAGANG NAMAMASKO SA KALSADA?
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Agaw eksena sa mga tao ang labing-limang baka na tila namamasko sa kalsada. [gallery columns="2"...
Baranggay San Jose, nakiisa sa isang aktibidad
Ni Ella Luci Nagkaroon ng General Parade sa bayan ng San Jose, mula sa iba't ibang sektor kasama ang Christine...
CELLPHONE NG LAW STUDENT, ISINAULI NG ISANG STREET SWEEPER
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Hindi akalain ng isang law student na maisasauli pa ang nawawala niyang cellphone. Papasok na...