
VICTOR WOOD, PUMANAW NA SA EDAD NA 74
PUMANAW na ang isa sa mga tinaguriang Jukebox King ng Pilipinas na si Victor Wood ngayong Biyernes ng umaga sa edad na 74.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
Ayon sa mga pag-uulat, sinabing binawian ng buhay ang batikang mang-aawit sa New Era Hospital. Sinabi ng maybahay ni Victor na si Nerissa, dinala sa ospital ang kanyang mister nitong Huwebes dahil sa lumalalang asthma.
Sa pagsasagawa ng mga medical laboratory kay Victor, napag-alaman na nagpositibo sa COVID-19 at may pneumonia ang mang-aawit.
Dahil sa bumaba ang oxygen level ni Victor, ginamitan siya ng intubate para suportahan ang paghinga nito
Aniya, bahagyang bumuti ang kalagayan ni Victor pero nitong Biyernes ng umaga ay lumalala ang kanyang kondisyon dahilan ng kanyang pagpanaw.
Ilan sa mga sikat na awitin ni Victor Wood ay ang, “Mr. Lonely,” “I’m Sorry My Love,” “Crying Time,” at Carmelita. #DM
