Entertainment

SUNSHINE DIZON, BALIK KAPAMILYA NA!

[by Athena Yap]

Mainit na tinanggap sa tahanan ng ABS-CBN ang award-winning actress na si Sunshine Dizon.

Pormal na inanunsyo sa Dos ang muling paglipat ni Sunshine ngayong araw ng April 30 (Biyernes). Makikita sa Instagram ng aktres na ni-repost pa niya ang pag-welcome sa kanya ng ABS-CBN, at kasunod nyan ay bumuhos ang pagbati at pagtanggap din sa kanya ng ilan sa kanyang mga kaibigan sa Kapamilya network.

“Warmest welcome to the Kapamilya Network,” sabi pa ni Iza Calzado na dati rin niyang kasama sa GMA na lumipat na rin ng ABS-CBN ilang taon na ang nakalipas.

Huling napanuod bilang Kapuso si Sunshine sa afternoon teleserye na “Magkaagaw” na natapos nitong March 31 lamang.

Naging bahagi si Dizon ng GMA Network sa loob ng 25 na taon, pero bago pa man siya lumabas bilang kapuso ay mayroon din siyang ilang exposure noon sa ABS-CBN noong 1992-1994 sa “Maala-ala Mo Kaya.

“Makakabilang si Dizon sa pinaka-bagong serye ng ABS-CBN na “Marry Me, Marry You.” #DM

Advertisement

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: