
Wowowin Comedian na si Le Chazz, pumanaw na
[by Athena Yap]
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
Natagpuang walang buhay si Richard Vargas Yuzon o mas kilala bilang “Le Chazz” na former Co-host sa “Wowowin” sa kanyang tinitirahan sa Kamuning, Quezon City.
Hindi pa lumalabas ang tunay na dahilan sa pagkamatay ng komedyante pero patuloy ang pag-abang sa kung ano nga ba ang nangyari kay Le Chazz.
Kinumpirma rin ng ilan pa sa mga kaibigan ng naturang komedyante ang pagpanaw ni Chazz gaya nina Ate Gay at Jobert Sucaldito.
“Ang isa sa pinakamamahal kong anak-anakang si Le Chazz (Richard Vargas Yuzon) ay lumisan na. Nawa’y sumalangit ang kanyang kaluluwa. Maligayang paglalakbay anak. Magkasama na kayo ng papa mo sa langit,” Ani Sucaldito.
“Le chazz RIP… mahal kita,” mensahe naman ni ate Gay.
Ang isa sa pinaka malapit na kaibigan ni Chazz na si AJ Tamisa ang kasalukuyang nag-aayos ng funeraria nito.
Matatandaang nag-guest pa noong February si Le Chazz sa “Wowowin: Tutok To Win” at naging co-host siya sa “Wowowin” mula 2018 hanggang 2019. #DM