
GLADYS GUEVARRA, KINASAL NA!
[by Athena Yap]
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Mula sa pagiging Gladys “Chuchay” Guevarra, siya ngayon ay Mrs. Guardian na!

Masayang inilantad ng komedyanteng si Chuchay na nahanap na niya ang kanyang “the one” nitong Abril lamang niya inilabas sa publiko ang tungkol sa relasyon nila ng kanyang partner na si Michael Guardian.
“I have too many to consider at first, bago ako nag decide ilabas sya. Syempre I have to respect his privacy also. Hindi naman siya public na tao. But I told him, I want to share this to all. Kase nga happy ako. Hehe! So, now, we will continue muna to be happy ng tahimik lang,” ani Chuchay.
Hanggang inilantad na rin ng aktres na na-engage na sila nitong Linggo lamang at nitong Martes nga ng gabi ay masayang ibinahagi ni Chuchay sa publiko na sila ay kinasal na.
Syempre pa, bumuhos ang pagbati sa kanila ng mga kaibigan ni Chuchay sa Showbiz industry gaya nina Kitkat, Julie Ann San Jose at marami pang iba.
Kasalukuyang naninirahan si Chuchay at ang kanyang asawa ngayon sa States. #DM