Community News

Mangingisdang Kabitenyo, 1st Runner-up sa Kapitan Kress Bayaning Mangingisda Award

Tagumpay na nagwagi si Bonifacio Mengullo bilang 1st Runner-up sa katatapos at kauna-unahan na Kapitan Kress Bayaning Mangingisda Award. Ang patimpalak na ito ay inorganisa ng Kress Elektrowerkzeuge at JGO Ventures Corp., ang authorized distributor nito sa Pilipinas. (by Sid Luna Samaniego)

[by Sid Luna Samaniego]

Tagumpay na nagwagi si Bonifacio Mengullo bilang 1st Runner-up sa katatapos at kauna-unahan na Kapitan Kress Bayaning Mangingisda Award.

Ang patimpalak na ito ay inorganisa ng Kress Elektrowerkzeuge at JGO Ventures Corp., ang authorized distributor nito sa Pilipinas.

Ang Kapitan Kress Bayaning Mangingisda 2021 ay nagbibigay-pugay sa mga Mangingisdang Pilipino. Layon ng kompetisyong ito na kilalanin ang mga sakripisyo at makabuluhang kontribusyon ng mga mangingisdang Pilipino para ipakita at maging inspirasyon sa marami. At bigyang halaga rin ang dedikasyon at naging ambag ng ating mga mangingisda.

Si Bonifacio “Benjie” Mengullo ay apat na dekada ng nangingisda. At sa hanap-buhay na ito ay napagtapos niya sa kolehiyo ang kanyang 3 anak na sina Bryan, nagtapos ng Accountancy sa PUP, Camile na nagtapos ng AB Psychology, Magna Cum Laude sa San Sebastian College Recoletos, at si Bonn Patrict na nagtapos ng Electrical Engr sa CvSU.

Kasalukuyan siyang pangulo ng PIMAROCA (Pinagkaisang Mangingisda ng Rosario, Cavite) na itinatag niya taong 2011. Si Bonifacio ay nagmula sa maalamat na bayan ng Rosario, Cavite. Samantala, tinanghal namang Grand Winner si Dante Noces ng Balaoan, La Union. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Mangingisdang Kabitenyo, 1st Runner-up sa Kapitan Kress Bayaning Mangingisda Award

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: