Press Release

Akda ni Hen. Antonio Luna, tatalakayin sa 11 Hunyo 2021

PRESS RELEASE: Pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino ang talakayan sa sanaysay na “Mga Unang Impresyon Ko (Sa Madrid)” na sinulat ng bayaning Hen. Antonio Luna. Itinatampok ito sa proyektong Onlayn Talakayan sa mga Babasahín sa Kulturang Filipino na serye ng mga libreng sesyon sa pagbása at diskusyon hinggil sa kulturang Filipino. (KWF)


Pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino ang talakayan sa sanaysay na “Mga Unang Impresyon Ko (Sa Madrid)” na sinulat ng bayaning Hen. Antonio Luna.

Itinatampok ito sa proyektong Onlayn Talakayan sa mga Babasahín sa Kulturang Filipino na serye ng mga libreng sesyon sa pagbása at diskusyon hinggil sa kulturang Filipino.

Ang nasabing sanaysay ay bahagi ng aklat na Impresiones na lumabas sa pahayagang La Solidaridad at nalimbag bilang aklat sa Madrid noong 1891.

Inilathala naman bilang KWF Aklat ng Bayan ang Mga Impresyon, ang salin sa wikang Filipino ni Dr. Teresita Alcantara na nagwagi sa timpalak na Sali(n) Na.

Kilala si Luna (1866–1899) bilang magiting na heneral sa digmaang Filipino-Americano. Bago ito, kasapi siya ng Kilusang Propaganda na nagsulong ng mga reporma para sa Filipinas.

Bukás at libreng magpatala sa talakayan. Kinakailangan lámang magpatalâ ang mga interesado sa https://forms.gle/y9cvrfABdTzc1mAa9. 30 kalahok ang pipiliin ng KWF para sa nasabing talakayan.

Sa 6 Hunyo ang hulíng araw ng pagpapatalâ at sa araw ding ito ilalabas ang mga napiling kalahok.

Magkakaroon pa ng ibang talakayan sa mga sumunod na buwan tampok ang iba’t ibang akda ng mga bayaning manunulat ng Filipinas. Para sa karagdagang detalye, maaaring magpadala ng email sa rrcagalingan@kwf.gov.ph, o bumisita sa kwf.gov.ph. 

Advertisement

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Akda ni Hen. Antonio Luna, tatalakayin sa 11 Hunyo 2021

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: