[ni Sid Luna Samaniego]

ROSARIO, CAVITE – Ang pagtatanim ng 123 pirasong bakawan ang naging tampok sa pagdiriwang ng Independence Day ngayong araw (June 12, 2021).
Eksaktong 123 pirasong mangrove propagules (seedlings) o bakawan ang itinanim sa Isla Bonita ngayong araw na dinaluhan ng mga kawani ng LGU, Rosario MPS, BFP, Bantay Dagat, at grupo ng Guardians.
“Ang lupang ito sa Isla Bonita ay ibinigay ng Maylikha. Nang dahil dito, nagkaroon kami ng maayos na matitirikan ng tahanan. Kaya naman, marapat lamang na ito ay aming alagaan at protektahan,” kwento ni Nestor Llanoza., purok lider sa Isla Bonita.
Ang 123 pirasong bakawan na itinanim ay itinugma sa ika-123 taong pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. #DM
0 comments on “Pagtatanim ng 123 bakawan, tampok sa pagdiriwang ng Independence Day sa Rosario, Cavite”