Banner Story NATIONAL NEWS

Maglaan ng budget para sa Agri farms hindi sa Troll farms – Pangilinan

Naalarma ang ilang mga senador sa pag-usbong ng mga troll farms na maaring magamit para magkalat ng fake news patungkol sa paninirang puri at pag-atake sa mga politiko na tatakbo sa darating na Eleksyon 2022, ayon kay Sen. Francis Pangilinan.

image: rappler

Naalarma ang ilang mga senador sa pag-usbong ng mga troll farms na maaring magamit para magkalat ng fake news patungkol sa paninirang puri at pag-atake sa mga politiko na tatakbo sa darating na Eleksyon 2022, ayon kay Sen. Francis Pangilinan.

“Imbes na troll farm ang kanilang ginagastusan, dapat yung agricultural farms, itong poultry farms, piggery, livestock, vegetable, rice. Yun ang gastusan natin dahil yun ang tulong na kailangan ng ating mga kababayan,” saad ni Pangilinan sa isang interbyu.

Aniya, kinokonsider ni Pangilinan na siya ay tatakbong muli sa pagka senador sa nalalapit na halalan 2022 at umaasa na maipagpatuloy niyang maipanalo ang karapatan ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa. Sinabi rin niya na ang mga fake news at online trolling ay dapat matalakay nang mas maaga sa paghahanda sa darating na halalan.

Napag-alaman din ang isang pag-aaral sa University of the Philippines College of Mass Communication na naging prone ang mga kandidato noong 2009 elections na mabiktima ng trolling at fake news online.

“Hindi rin biro, kapag lumabas sa social media yung paninira, yung red-tagging, kamatayan iyong kasunod nun e. Lalo na kapag paulit-ulit. People are killed,” ani Pangilinan.

Umapela si Pangilinan sa publiko na maging maingat sa pagtanggap o pagbabasa ng mga balita online.

“Yung paninira na ginagastusan nang napakalaking halaga ay totoo at nangyayari. Kaya tayo bilang mga mamamayan, kinakailangan maging mapagbantay. Huwag basta-basta magpapaniwala,” dagdag pa ni Pangilinan.

Ang troll farms ay isang organisadong grupo kung saan ay samu’t saring mga fake news at fake accounts ang ginagamit ng mga gumagawa nito. Lalo pa’t nalalapit na ang botohan kung saan ay iba na ang estilo ng mga mapanirang troll farms na ito na laganap sa social media at pwede ring mabayaran sila ng cashless via online payment transaction. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Maglaan ng budget para sa Agri farms hindi sa Troll farms – Pangilinan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: