“Pagtumakbo si PRD vice president, hindi ako tatakbo” – Sara

Read Time:48 Second

Hindi tatakbo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagka-Pangulo kung sakaling tumakbo sa pagka-Bise Presidente ang kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na 2022 Eleksyon, ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

“Sabi ni Mayor Sara, ‘pag tumakbo si PRD vice president ay ‘hindi na ako tatakbo,” saad ni Panelo.

“Hindi na ako makakatakbo kasi sabi niya yung Duterte-Duterte very unlikely ‘yan,” dagdag pa ni Panelo sa kanyang TV Show na “Counterpoint”.

Hindi raw tatakbo si Sara kung ang magiging ka-tandem niya ay ang kanyang Ama. Aniya, may “personal” na dahilan ang Alkalde ng Davao City.

“Iba naman yung reason ni Sara, more of personal yung kanya,” ani Panelo.

Sa kasalukuyan, hindi pa rin inaanunsyo ni Sara ang kanyang planong pagtakbo sa 2022 Eleksyon. Kahit na sinabi pa ng paulit-ulit ni Pangulong Duterte na ayaw niyang tumakbo ang kanyang anak sa pagka-Pangulo sa darating na Halalan 2022. #DM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Duterte, hindi makikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC laban sa kanyang “war on drugs” campaign
Next post Nadine, Ivana fans nag bagsakan sa IG
%d bloggers like this: