Tanong ng UST Volunteers for UNICEF: “Handa ka na ba sa Halalan 2022?”

Read Time:1 Minute, 8 Second

[Written By: Claire Pascual, Chelsea Tan, Krizzneil Galang]

Uy kapwa kabataan, ikaw ba yan? Sabi nila, tayo ang pag-asa ng bayan, kaya halina’t maging matatalinong botante upang magkaroon ng kahangad-hangad na kinabukasan.

Bata pa man, mahalagang matutunan ang kahulugan ng pagiging isang responsable at matalinong botante hindi lamang para sa sarili, kung hindi para na rin sa sambayanang Pilipino. Importante rin na bilang mga mamamayan ng Pilipinas, tayo ay maiging naghahanda para sa tungkuling ito. Pero laging tandaan na ang pagboto ay hindi lang isang obligasyon, bagkus ito ay karapatan na hindi dapat mawakasan ng kahit sino man.

Kaya naman, ang UST Volunteers for UNICEF ay iniimbitahan ang lahat sa “Tayo Na, PILIpinas: Paghahanda sa Halalan 2022”, isang webinar upang tuklasin ang kahalagahan ng pagiging isang mapanuring botante. Samahan ninyo kami nina Atty. Chel Diokno at COMELEC Comissioner Rowena Guanzon sa ika-28 ng Agosto simula 1:00 hanggang 4:00 ng hapon, at magkita-kita tayo sa Zoom at FB Live.  Tayo ay makinig, matuto, at makilahok!

Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa webinar at sa UST Volunteers for UNICEF, mangyaring bisitahin ang kanilang social media accounts sa Facebook (@UST UVU), Instagram (@ustunicef), at Twitter (@ustunicef).

Tara na maging maagap sa pagpapaunlad ng bansang lubos nating minamahal bilang mga kabataan, ang tunay na pag-asa at puso ng bayan! ###

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Go-Duterte, kasado na sa darating na halalan 2022; Sara, walang planong tumakbo sa pagka-Pangulo
Next post Peace Education Training Program Held for Over 200 Schools and HEIs in the Philippines
%d bloggers like this: