
Raffy Tulfo tatakbong senador sa 2022
[by Athena Yap]

Naghain na ng certificate of candidacy (COC) para sa pagtakbo bilang senador ang beteranong journalist na si Raffy Tulfo nitong Sabado (October 2, 2021) sa Commission on Elections sa Sofitel Philippine Plaza, Pasay City.
Independent Candidate si Tulfo at wala siyang kinabibilangan na ano mang political party.
“Independent po ang aking i-finile, walang partido para maging maliwanag sa ating lahat,” ani Tulfo.
“Sa loob ng mahigit dalawang dekada ko po sa public service bilang broadcaster na nakakaharap at nakakausap ang mga kapus-palad nating kababayan, madalas kong napapansin sa kahit anong klaseng laban, palagi silang nadedehado at mabilis na nalalampaso ang kanilang mga karapatan, lalo na kapag mayayaman at makapangyarihan ang kanilang nababangga,” dagdag pa niya.
Bukod pa riyan ay napapansin niyang madalas na isigaw ng ibang tao ay ‘Hindi patas ang batas!’
Kaya naman kasunod niyan ay sinabi niyang “yung ganitong klaseng pangyayari, hindi dapat natin pinapayagan na mangyari sa ating lipunan.”
Iyan ay ilan lamang sa kaniyang mga nasambit sa mga media matapos mag-hain ng certificate of candidacy bilang senador. #DM